For The Chosen

The thought of jumping
Of falling
Of the cold air gushing through my hair
Of my heart, beating faster than ever
This is what I am afraid of

The idea of landing
Of my bones breaking
As soon as i hit the hardest concrete
Of my lungs trying to breath
As soon as i emerge to a bottomless pit
This is what my nightmares are made of

The thought of staying
Of not exploring
Of settling for what is there
Of never knowing the meaning of better
This is what I fear

But seeing you standing there
Eyes wide and full of wonder
Makes me think that
It is okay to jump

It is fine to land
It is better to stay
Because you’re a fear I am more than ready to conquer.

A Letter To Whoever

         Someday, I will meet you. Maybe not ‘meet’ meet, maybe more of ‘realized-it-is-you’ kind of meet. But I will know you nonetheless. I’m sure that you will scare the shit out of me, I may even push you away because I’m that coward. I hope I haven’t done this already, but if I did, I hope you stayed. I hope we’re good friends, I hope you already know how messy my mind is. I hope I already fixed myself. I hope you already accepted me. And when that day comes, I hope we’re both ready to dive. I hope we’re both ready to love. We will do everything together. Yep, I’m that clingy. We will climb mountains together even if I hate it (maybe we both hate it, but still). We will go grocery shopping and I will try to cook us dinner (notice the word try). We can skip Sunday mass, but we will love our God anyway (I will forever thank Him for your existence). When the night is too bright, we will make pillow forts outside just to watch the stars shine (tho I’d rather stare at your eyes). Baby, I’m not into sports but I’ll cheer for your favorite team, just save me the last piece of donut. I will always listen to your stories, no matter how mundane they are. I do appreciate honesty but I don’t want to hear you saying that you’re fond of other girls. I will always try to make your day better, I’m sure you’ll do the same for me. I’ll drink with you when the world is too hard. I’ll run my fingers through your hair and let you know that I will stay. We might fight but we will choose to understand. We will compromise. There will be nights that I will feel sad for no particular reason, please learn how to hold me tight. And baby, we both know that this will be hard but I won’t leave you no matter what. And if, only if, the time comes that you want out, I will let you. I just hope you will not.

Walang Titulo (parang ikaw at ako)

Posible nga ba

Na mabura ang isang bagay na nag mistulang permanente na?

Ang mga sulat sa dingding na araw araw pinipinta ay mawawala pa ba?

Sana may sagot. Sana may paraan

Sana magawa ko nang pigilan

Ang paulit ulit na pagbalik ko

Sa mga bagay na paulit ulit din akong sinasaktan

Sana hindi ikaw. Sana ako naman

Ako na lang

Kasi ikaw, araw araw kitang nakikita sa mukha ng mga tao na di ko kilala

Araw araw kong naririnig ang boses mo sa bawat pagtugtog ng mga kanta

Sa bawat pagihip ng hangin ay natatangay ako pabalik sayo

Nagpapadala ako

Nagpapakatanga ako

Nakakatawa, tila isang ironya

Gusto kong lumayo sa’yo pero papalapit ang lakad ko

Sana mapigilan

Ang paulit ulit na pag-alala ko sa mga bagay na dapat nang kalimutan

Bakit pa ba naging ikaw?

Sana iba na lang

Ngayon ko lang kasi naintindihan

Kung bakit may mga lote na hindi nilagyan ng bahay

Kung bakit may mga bahay na hindi tinawag na tahanan

Kasi may mga tahanan na sa tao mo lang mararamdaman

At mahal, ikaw lang ang gusto kong uwian

Nakakatawa, tila isang ironya

Para akong manhid na masokista

Nalilito kung sasaya pag nand’yan ka

O malulungkot dahil ‘di rin naman kita makukuha

Nakakalungkot, tila isang ironya

Malilimutan ba kita kung ikaw ang nagiisang tao na gusto kong maalala?

Nakakalito, isang malaking panunuya

Mahal kita pero mahal…

ayaw ko na

PiBi

Ikaw

Ang kaba sa pagtuklas ng lugar na hindi pamilyar;

Ang takot na baka maligaw at malunod sa ingay at ilaw ng bawat kalye na papasukan. Manlalamig ang mga kamay, aligaga sa kawalan ng kasiguraduhan. Mabilis at malakas ang bawat pagpintig ng puso, tila may sinisigaw.  “Wag mo akong dito iwanan. Hindi ka pa sigurado sa iyong pupuntahan.”

Ikaw ang lugar na tinakasan.

Ikaw

Ang pag-aalangan kung may jeep pa bang masasakyan;

Ang isang oras na gagamitin sa pag-aalala kung makaka-uwi pa ba. Ang takot na baka hindi na. Mag-aabang. Magdadasal. Makakahinga. Kasya pa ang dalawa. “Sana hindi traffic sa Bauan.”

Ikaw ang busina sa siksikan na lansangan.

Ikaw

Ang mahabang paglalakbay pabalik ng bahay;

Ang saya na mararamdaman dahil sa wakas tapos na ang ingay sa siyudad. Tapos na sa paglalakad. Hindi pa man ito ang hantungan pero alam ko na malapit na ako sa dapat na puntahan.  “Tahan na sa pag-iyak, humimbing na sa kama na matagal mo na ring hindi nakasama.”

Ikaw ang pagitan ng pagod at pahinga.

Ikaw

Ang pamilyar na pakiramdam ng pag-uwi sa tahanan;

Ang ilaw na nagpapahiwatig na may naghihintay. Patunay na maswerte ako dahil may kinakabahan hanggat hindi pa ako kumakatok sa pintuan.  Mapalad na may maiinit na palad na sasalubong sa aking malamig na balat. Hinampas man ng hangin sa labas, alam mo na may yayakap.

“Mahal, salamat bumalik ka.”

“Mahal, patawad sa pag-aalangan, sa hindi ko pagsugal. Ngayon, sigurado na ako. Handa na akong mag mahal.”

Ikaw ang hantungan.

MHLKT

Meron akong teorya

Na ang bawat bituin sa langit

Ay simbolo ng bawat tao na ating makakasalamuha

Na sadyang may isa na mas maliwanag kesa sa dalawa

 

Dalawang oras ang itinagal ng una nating pagkikita

Ang natitirang dalawampu’t dalawa ay para sa pag-alala

Sa pakiramdam ko nang malunod ako sa iyong mga mata

Ngayon alam ko nang hindi lang sa araw umiikot ang planeta

 

Naalala ko lang, may siyam na planeta tayong sinaulo nung bata pa

Ang bawat isa ay may kaniyang pangalan na hindi dapat limutin

Nagpapaikot-ikot sa dila at naghihintay na muling kailanganin

Naalala ko lang, may siyam na letra nga rin pala ako sa iyo’y gustong sabihin