#00004

Sa dilim kita nakita;
Sa usapan tuwing alas dos ng umaga
Sa iyak pagkatapos ay tatawa
Sa tatawa kahit na malungkot
Sa “uy tawa na” pag nakasimangot
Sa dilim kita nakita.
Mali.
Sa dilim kita nakilala.
Sa walang liwanag pero nagniningning ka.
Mali.
Sa walang liwanag pero nandiyan ka.
At ilang kandila ba ang handang maubos para sa iba?
Ilang bituin ba ang posibleng makita sa langit pag maulap na?
Ilang payong ba ang nagpapasukob pag malakas ang ulan at baha na sa kalsada?
Dalawa? Lima? Basta, bihira.
Salamat sa pagiging isa sa kanila.
Salamat sa pananatili kahit na hindi madali.
Pero ‘wag kang mataranta, hindi ito katumbas ng “Mahal kita.”
Gusto ko lang sabihin na;
Hindi na ako gaanong takot sa dilim dahil nandiyan ka.


Salamat sa’yo.

Happy Valentine’s Day, everyone! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s